ahaha. di ako alam kung bat ako natatawa. pero kewl, wala pa din ngang tatalo kay bitoy! woot!

Gusto kitang iwasan. Pero sa tuwing ginagawa ko yun, mas lalo kang napapalapit sa akin.

Marami akong rason kung bakit ayokong mahalin ka, dahil simula ng pinakita mo sa akin ang kakaibang ngiting taglay mo, di ko na mapigilan ang sarili kong mahulog sa iyo.

Kailan lang, nanlulumo ako sa isang sulok mula sa isang kabiguang di ko inaasahan, at sa di ko maipaliwanag na dahilan, ang iyong mga ngiti ang nagbigay buhay sa akin upang kahit paano’y matanggap ang masakit na katototohan.

Hindi madaling magmahal, marami kang kailangang isaalang-alang, hindi dahil sa nagmamahal ka eh masasabi mo na sa buong mundo na “yebah! inlab ako, nagmamahal ako”.. (ano daw? magulo na naman ako)

Hindi lang isang salitang bigla-bigla mong mabibitawan ang mga katagang yun, dapat sa loob mo, handa ka sa lahat ng pedeng mangyari.

Di pa naman ganun kadami ang mga karanasan ko pagdating sa tinatawag na “laughing in love”, pero, kung karanasan lang din sa pagiging broken-hearted and busted sa lahat ng niligawan, siguro isa ako sa mga pedeng maisama sa World Record ng mga torpe. Kaya malakas pa ang loob ko para mangaral kahit kanino lalo na kung ginagawang laro yung mga bagay na yun. ^_6

Ayokong mahulog sa iyo. Isa kang sumpang maaring pumatay sa akin.

Ganun ang nararamdaman ko sa iyo ngayon, natatakot akong masaktan ka sa dulo. Masaktan dahil masyadong magulo ang mundo ko kumpara sa mundo mo. Busy ka dahil sa iba’t ibang anik anik na kinabibilangan mo, samantalang ako, busy sa pag-aayos at pagtatama ng mali sa buhay ko.. Inshort, di ako ang taong karapat-dapat makatanggap ng pagsang-ayon mula sa iyo. Pero alam mo bang ikaw ang taong gusto kong makasama sakaling maiiwan akong mag-isa sa mundo. (amdrama!)

Isa kang sumpang bubuhay at papatay sa akin.

Ganun ang epek mo sa akin. Tinalo mo pa yung pinapapak kong TicTac pag tinotoyo ako, tinalo mo pa ang nakamamatay na 4.0 mula sa pinaka-nakakaloko kong prof, tinalo mo pa sina ano at ano kung makapanghotseat..

Pero alam mo bang gusto ko din itong nangyayari sa akin? Haha. Peste talaga oh! Sa tuwing nakikita kita, gumagaan na ang loob ko, kahit pang noong grade 4 tayo eh galit na galit ako sa iyo dahil sa isang simpleng bagay.. hindi ko alam kung talagang ganun lang ako kakulit o sadyang ikaw eh may lihim na pagsulyap din sa akin (ambisyoso ang damuho, haha)  dahil laman ako lagi ng top10 noisiest student ng listahan mo sa tuwing walang titser. (may pagkaunlyanin ako, pero natatandaan ko pa ang lahat ng ito, haha. hanggang tenga mo nga lang nun yung height ko eh, pero ngayon, hanggang bewang tenga ko lang ang taas mo)

Oo, terror na nga para sa akin si Ser Pags, ang kakaiba at bibo kong prof, pero mas terror ka naman sa akin. Isang salita mo lang, para akong robot na desusi na gagalaw lang sa tuwing sasabihin mo ang mga magic words.. Kung ang Quatro ni Prof eh nakapanlulumo sa akin, ang makita ka ng ilang araw eh mas nakakapanlumo.. Eh pano pa ngayon, mahigit 2 linggo na tayong di nagkikita? Ano na lang sa palagay mo ang hitsura ko? Aber?

Mahilig kang magbigay ng payo, aminado naman ako dun, sa payo mo, tinatamaan ako… nitong mga nagdaang araw, pinayuhan mo ako kung ano ang dapat kong gawin para kay SOMEONE, pero pero pero, di mo man lang ba nahalata na ikaw si SOMEONE?

Manhid ka ba? Iuntog kaya kita sa pader ng matauhan ka na ikaw yun? Di mo man lang ba napansin na ikaw yung tinutukoy ko? Ewan ko sa iyo. At dahil dyan mas lalo akong naiinis sa iyo. Pero sa tuwing naiinis ako, mas lalo naman akong nahuhulog sa mga bitag mo. Takte. Tokwa ka talaga.

Isang text mo sa akin ang biglang nagpawindang sa akin ng todo, nang tanungin mo kung ikaw ba si SOMEONE o ibang tao, ika mo pa nga, mahirap manghula ng kung sino-sinong inosente dahil magkakasala ka lang.. wapak. Natameme ako nun, di mo lang alam.. matagal-tagal din, mga 3 segundo ata un.

Ngayon… Mas natatakot ako sa maaaring mangyari, sakaling di ko maawat ang sarili ko para mahulog sa iyo, wag kang lalayo (subukan mo lang at ipapakidnap kita, haha) dahil alam kong mahihirapan ako ng sobra sobra. Masaya na ako sa kung ano tayo ngayon, masaya na din ako at kahit paano, kahit minsan eh nagkakasama tayo.. di nga lang bilang ‘tayo’ kundi bilang magkaibigan..

Woot. Siguro, kelangan ko munang pag-aralan ang mga teknik kung paano kita mapapahulog sa akin, kahit mahirap, gagawin ko. Haha. ^_6

Nakakaloko talaga ang prof namin sa Multimedia, hindi ko alam kung anong toyo ang pumasok sa utak nun at bigla-bigla kaming pinagawa ng isang Flash Animation.

July na ngayon, pero hanggang sa mga oras na ito, wala pa talaga akong natututunan sa kanya. 5 sabado na din ang nakakaraan mula ng nag-umpisa ang klase, pero hanggang sa mga minutong ito eh wala pa talaga syang pormal na pagkaklase sa amin. Last time, mukhang may kakaiba syang toyo at di kami pinag-lab..

Ang rason? Naunahan daw kasi sya ng kanyang pinakamamahal na mister sa Projector na dapat sana ay gagamitin nya para sa unang araw na magtuturo sya. Ang siste, ayun, at maagang natapos ang klase. Pero pero pero, may pahabol si maam.

Bukas. Sabado. Sa unang pormal na lab na maituturing, kaming mga estupidyante nya ay kailangan magpresent indibiduwali ng isang Flash Animation.

Pero pero pero.. May pahabol din, may mga kondisyones ang kanyang Mini Assignment na maituturing.

  • Una, dapat maximum of 30 seconds na animation clip lang. Ang lumampas. Bagsak. Kewl di ba? Hahaha.
  • Ikalawa, dapat sarili naming mga drawing ang gagawin namin. Bawal ang kuha sa net na mga pics.. (ay talo.. haha)
  • Ikatlo, 2 kulay lang ang pedeng makita sa animation. Itim at ang background na puti. Oha oha. Susyal!
  • At ang pinakapaborito ko sa lahat. Ang ikaapat na kondisyon nya, panunuorin ng buong klase ang gawa ng bawat isa. At since indibidwal, mukhang mahaba-habang okrayan ata ang magaganap.

Kewl di ba? Haha. ^_^ Mukhang mahaba, habang okrayan nga talaga ang magaganap. At dahil sa wala pa akong sapat na kaalaman para sa bagay na ito, pagpasensyahan sana kung ano lang ang nakayanan kong gawin. Kahit pano kasi, may mairarason pa ako kung sakaling maookray itong gawa ko. Ngayon ko lang sya ginawa at natapos, bukas na ang presentation.. Ayun, rush mode lang ang palusot. Woot. At konting pakyut lang ang kinakailangan. Wahaha. ^_^